^

Metro

Ex-Calauan Mayor Sanchez, natagpuang patay sa selda

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Ex-Calauan Mayor Sanchez, natagpuang patay sa selda
Ayon kay Gabriel Chaclag, tagapagsalita ng Bureau of Corrections (BuCor), alas-7:00 ng umaga nang madiskubre ng iba pang inmate si Sanchez na hindi na gumagalaw sa loob ng kaniyang selda kaya isinugod sa ospital ng New Bilibid Prison (NBP) subalit idineklarang dead- on-arrival.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay na si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez na-convict sa kasong rape-slay na naganap noong 1993.

Ayon kay Gabriel Chaclag, tagapagsalita ng Bureau of Corrections (BuCor), alas-7:00 ng umaga nang madiskubre ng iba pang inmate si Sanchez na hindi na gumagalaw sa loob ng kaniyang selda  kaya isinugod sa ospital ng New Bilibid Prison (NBP) subalit idineklarang dead- on-arrival.

Gayunman, idaraan sa proseso ng autopsy si Sanchez para matukoy kung ano ang sanhi ng kamatayan nito, na karaniwang isinasagawa kung biglaan ang pagkamatay na walang indikasyon ng foul play.

Maysakit na aniyang, chronic kidney, hypertension, asthma, prostate at paulit-ulit na gastroenteritis ang dating alkalde.

Huling nakitang buhay si Sanchez, kamakalawa ng gabi na naghahandang matulog, ayon kay Chaclag.

Si Sanchez na naha­tulan ng reclusion perpetua na may hanggang 40 taong pagkakakulong sa kasong rape at murder noong taong 1993 sa mga biktimang sina Eileen Sarmenta, estud­yante ng University of the Philippines-Los Baños  at boyfriend nitong si Allan Gomez.

Nasabihan na rin aniya, ang pamilya ni Sanchez.

Magugunitang noong 2019 nang maudlot ang paglaya ni Sanchez nang lumikha ng kontrobersiya ang pagkakasali niya bilang isa sa 10,000 bilanggo na mabebenipisyuhan ng Good Conduct Time Allo­wance (GCTA).

 

vuukle comment

ANTONIO SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with