Dagdag na healthcare workers, hiling ng PGH at Lung Center

Ito ay makaraang magdagdag na sila ng bilang ng COVID-19 beds na aabot na sa 225 kasama na ang kanilang emergency room. Nasa 190 na rin ang COVID patients na nakaratay sa pagamutan.
Michael Varcas/File

MANILA, Philippines — Humihingi na ng dagdag na healthcare workers (HCWs) ang Philippine General Hospital at Lung Center of the Philippines (LCP) sa Department of Health (DOH) dahil sa pagtaas ng bilang ng mga pasyenteng may COVID-19 bunsod din sa pagtataas ng kanilang kapasidad.

Sinabi ni PGH spokesperson Dr. Jonas Del Rosario na nasa 30-40 healthcare workers  ang hiling nila sa DOH.

Ito ay makaraang magdagdag na sila ng bilang ng COVID-19 beds na aabot na sa 225 kasama na ang kanilang emergency room.  Nasa 190 na rin ang COVID patients na nakaratay sa pagamutan.

 Iginiit niya na maaaring magdulot sa pagbagsak ng operasyon ang limitadong bilang ng HCWs dahil sa maaaring magkasakit pa dahil sa sobrang pagod ang mga naka-duty nilang tauhan ngayon.

“Internal ginagawa namin ‘yung adjustment pero malaking bagay po kung makakuha kami ng augmentation from DOH,” dagdag niya.

Humingi naman ng dagdag na 30 pang nurses sa DOH noon pang nakaraang linggo ang LCP.  Ayon kay LCP spokersperon Dr. Norberto Francisco, posibleng ganito rin ang sitwasyon ngayon ng iba pang mga pagamutan sa Metro Manila.

Show comments