^

Metro

2 barangay sa Malabon nasa talaan ng may mataas na COVID-19 cases

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
2 barangay sa Malabon nasa talaan ng may mataas na COVID-19 cases
Ito’y ayon sa OCTA Research, kung saan nasa ika-11 ang Brgy. Longos at 52 kaso ang naitala o 126% pagtaas, habang nasa ika-15 ang Tonsuya kung saan 46 o 188% ang naitalang pagtaas.
AFP/Maria Tan

MANILA, Philippines — Dahil sa mga ‘pasaway’ at hindi sumusunod sa health protocols, dalawang barangay sa Malabon City ang nasa top 20 ng pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 mula Pebrero 28 hanggang Marso 6.

Ito’y ayon sa OCTA Research, kung saan nasa ika-11 ang Brgy. Longos at 52 kaso ang naitala o 126% pagtaas, habang nasa ika-15 ang Tonsuya kung saan 46 o 188% ang naitalang pagtaas.

Ayon mismo sa alkalde ng lungsod na si Mayor Antolin Oreta, marami ang sumasakay ng mga pampublikong sasakyan ng hindi nakasuot ng face mask at ipinapalagay ng alkalde na ito ay dahil sa pandemic fatigue dahil halos isang taon nang namemerhuwisyo ang pandemya.

Maraming gumagala sa lungsod na tila walang pakialam sa safety measures at galit pa kapag pinaalalahanan.

“Unfortunately, with the new strain mas madaling mahawa,” ayon pa kay Oreta.

Noong Disyembre 31, 2020 ay 34 na lamang ang active COVID cases sa Malabon ngunit tumaas ito sa 549 nitong Marso 8 ng kasalukuyang taon.

Nabatid  na “family transmission” na ang nagaganap sa lungsod kung saan karamihan sa mga miyembro ng isang pamilya ang nagkakahawaan sa loob ng bahay.

Sa kabila nito, hindi naman nakikita ng Pamahalaang Lungsod ang lockdown at kailangan lang ng “strict compliance” sa mga safety measures at pagiging istrikto ng mga nagpapatupad ng regulasyon.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with