^

Metro

Color coded quarantine pass ipapatupad sa Caloocan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipatutupad na muli ng pamahalaang Lungsod ng Caloocan ang color coding sa quarantine pass sa mga palengke at supermarket.

Nakasaad sa  Executive order 010-2021 na ni­lagdaan ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan  na  may tatlong quarantine pass ang ibibigay sa bawat indibiduwal  upang makakilos, makapagtrabaho at makabili ng kanilang pangangailangan.

Ang implementasyon ng Color-Coded Qua­rantine Pass System ay bunsod ng naitalang pagtaas ng kaso ng CO­VID-19 sa lungsod kung saan umakyat na sa 371 ang mga aktibong kaso. Noong Nobyembre ay nasa 80 na lamang ang active cases sa Caloocan.

Isang quarantine pass lamang muli para sa isang household. Kung nawala  ang ibinigay na quarantine pass noon, maaaring magtungo sa inyong mga barangay para muling makakuha, kung saan titiyakin nila na hindi madodoble ang quarantine pass kada household.

Ang mga Autho­rized Person Outside Residence (APOR) at mga nagtatrabaho ay kinakailangan lamang ipakita ang kanilang company ID kung magtutungo sa palengke at supermarket.

Binigyan-linaw din na sa ibang establisi­miento ay hindi naman kailangan ng quarantine pass, su­balit kailangang mahigpit na ipatupad ang kapasidad na itinakda ng IATF at siguraduhing nasusunod ang health and safety protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield at physical distan­cing. 

OSCAR MALAPITAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with