MANILA, Philippines — Hindi na problema ng Parañaque City government ang pag-iimbakan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines para sa proteksiyon nito matapos pumayag sa isang kasunduan ang Zuellig Pharmaceutical-Philippines na sa bodega nila ilagak ang paparating na 200,000 dose ng AstraZeneca sa huling bahagi ng ikalawang quarter ng taong ito.
Ang master services aggreement ay nilagdaan sa pagitan nina Mayor Edwin Olivarez at Danilo Cahoy, ang pangulo at general manager ng Zuellig para sa logistic services sa mga bakunang ipamamahagi sa 18 na barangay ng lungsod.
Sinabi ng alkalde na nakapagbayad na ng 20% advance ang lokal na pamahalaan ng halagang P250-milyon.
Tiniyak ni Olivarez na nasa 500,000 bonafide residents ng Parañaque ang matuturukan. Prayoridad, aniya, ang health workers, essential service workers, security, traffic personnel, at senior citizens, na nasa 59,000.
“Zuellig’s storage has a capability of up to 70 degrees centigrade. From the airport the vaccines will be brought to their storage and to our vaccination centers here in the city,” paliwanag ni Olivarez.
Ang head office at warehouse ng Zuellig ay matatagpuan sa West Service Road, South Superhighway, Barangay Sun Valley, na 10-minute drive lang mula sa Ninoy Aquino International Airport,