Pagkain, inumin ibabawal sa loob ng sinehan

Ito ang nilalaman ng inihandang draft guidelines ng DTI na ibinigay sa Metro Manila mayors, ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez.
STAR/ File

Kung matutuloy ang pagbubukas sa Marso

MANILA, Philippines — Ipagbabawal ang pagdadala ng pagkain at inumin sa loob ng mga sinehan sakaling matuloy na ang pagbubukas ng mga ito sa Marso.

Gayuman, papayagan naman ang pagtatabi-tabi ng hanggang limang indibiduwal mula sa iisang grupo o ‘social bubble’, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Ito ang nilalaman ng inihandang draft guidelines ng DTI na ibinigay sa Metro Manila mayors, ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez.

Kabilang din dito ang mandatory na pagsusuot ng face masks at face shields sa loob.

Gayunman, hindi pa aniya, pinal ang nasabing guidelines na maaari pang dagdagan ng mga alkalde  at nilinaw na hindi niya imbento ang draft kundi pinag-aralan ng mga eksperto at technical working groups.

Sinabi naman ni Metro Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia,  kahit pabor ang mga alkalde na ilagay na sa modified ge­neral community quarantine (MGCQ) ang National Capital Region (NCR)  tutol pa rin ang mga ito sa pagbubukas mga sinehan.

Show comments