Pulis-Maynila dinukot

Sa ulat ng San Nicolas Police Community Precinct (PCP) na sakop ng Binondo Police Station 11, dakong alas-2:05 ng hapon nang dukutin ng mga suspek ang biktima sa panulukan ng San Fernando St. at Sto. Cristo St. sa Binondo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nagsasagawa nga-yon ng masusing im-bes­­­tigasyon at follow-up operation ang Manila Police District (MPD) upang matukoy ang kina­roroonan ng isa nilang tauhan na dinukot ng mga armadong lalaki sa Binondo, Maynila nitong Huwebes ng hapon.

Mismong si MPD Director BGen. Leo Fran­cis­co ang kumumpirma sa pagdukot kay Cpl. Allan Hilario, na  nakatalaga sa police assistance desk sa Meisic Police Station 11 (PS-11). Ito ay makaraang dumulog ang pamilya ni Hilario sa naganap na pagdukot sa pulis.

Sa ulat ng San Nicolas Police Community Precinct (PCP) na sakop ng Binondo Police Station 11, dakong alas-2:05 ng hapon nang dukutin ng mga suspek ang biktima sa panulukan ng San Fernando St. at Sto. Cristo St. sa Binondo.

Sakay ang pulis sa nakaparada niyang kotse sa may Sto. Cristo Pads, nang dumating ang mga suspek na lulan ng pu-ting Isuzu Crosswind (at maroon na Honda City.

Sa salaysay ng tatlong testigo, tinutukan ng higit sa limang mga suspek ng baril at sapilitang pinababa ng kaniyang kotse saka pinapasok sa kanilang sasakyan.  Agad na humarurot ang sasakyan ng mga suspek patungo sa direksyon ng Jabonero Street sa Binondo.

Bigo ang mga testigo na mamukhaan ang mga suspek na nakasuot ng itim na bonnet, itim na ja­cket, itim na pantalon, itim na gloves at sapatos.

Tiniyak naman ni Fran­cisco na masusi na silang nagsasagawa ng mala­limang imbestigasyon upang matunton ang kina­roroonan at mailigtas ang biktima, at matukoy ang dahilan nang pagdukot sa kaniya. 

Show comments