Nasunog na bodega sa Las Piñas, hindi sa Lazada

Bukod dito hindi rin konektado o empleyado ng Lazada ang nasawing si Jolie Anne Banday makaraang sumiklab ang sunog sa isang warehouse sa nabanggit na lungsod.
KJ Rosales, file

MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ng Lazada Philippines na hindi nila bodega ang natupok ng sunog kamakailan sa Las Piñas.

Bukod dito hindi rin konektado o empleyado ng Lazada ang nasawing si Jolie Anne Banday makaraang sumiklab ang sunog sa isang warehouse sa nabanggit na lungsod.

Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang Lazada sa pamilya ng nasawi.

Nabatid na isa lamang aniyang, drop off point ng mga produktong binili sa platform ng Lazada ang bodegang nasunog sa Marcos Alvarez at San Antonio St., Talon 5 noong Pebreo 6, 2021.

Marami aniyang, iba’t ibang kompanya ang gumagamit at naglalagak sa nabanggit na bodega na hindi pag-aari ng Lazada.

Una nang naiulat na si Jollie Anne Banday ay empleyado ng Lazada bilang chat customer representative, na ayon sa paglilinaw kahapon ay caretaker ng bodega at hindi konektado sa kompanya.

Show comments