Konsehal ng Caloocan haharapin ang kasong tax evasion

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni Caloocan City 2nd District Councilor Alexander Mangasar na haharapin niya ang   kasong tax evasion na isinampa laban sa kanya at hindi siya nagtatago sa batas.

Ito naman ang  pahayag ni Mangasar bilang tugon sa lumabas na balita na siya ay nagtatago upang takasan ang kasong tax evasion kaya nagpalabas ng warrant of arrest si  Caloocn City Regional Trial Court  Branch 126  Presiding Judge  Misael Ladaga.

Sa press statement ni Mangasar, sinabi nito na imposibleng magtago siya dahil naglalagi lamang siya sa kanyang  opisina sa city hall at sa Mangasar Rescue.

Sinabi ni Mangasar na nasa korte na ang  kaso at handa naman  siyang  bigyan linaw ito sa paggulong ng pagdinig.  Nakapaglagak na ng  piyansa si Mangasar sa  kasong tax evasion.

Si Mangasar ay may pagkakautang sa BIR na nagkakahalaga ng kabuuang P8,385,754.94, na nahahati sa P6,969,750.82 na income tax at P1,416,004.12 na value added tax, kasama na ang penalty at interest, na hindi nabayaran ng kanyang kompanyang Xander Marketing noong taong 2011.

 

Show comments