Ekonomiya ng Maynila, unti-unti nang bumabangon

Ang pagkakaroon naman ng mga bagong negosyo ay dahil umano sa suportang ipinakita ng lokal na pamahalaan para maibangon ang ekonomiya. Kabilang dito ang paglulunsad ng ‘Manila Support Local’ campaign.
CC BY-SA 3.0/Corteco8/Wikimedia

MANILA, Philippines — Unti-unti nang bumabangon ang ekonomiya ng Maynila makaraang makapagtala ng 42 porsyentong pagtaas sa aplikasyon ng mga bagong negosyo nga-yong 2021 ang lungsod.

Sa ulat ng Bureau of Permits kay Manila City Mayor Isko Moreno, 911 bagong negosyo ang nagsumite ng kanilang aplikasyon para sa Business Permits ngayong 2021.

Higit na mataas ito sa 642 bagong negos­yo noong 2020 at 480 bagong negosyo na nagsumite ng aplikasyon noong 2019.

Sa kabila nito, tinukoy din ni Bureau of Permits Director Levi Facundo ang bahagyang pagbaba sa renewal ng mga business permits.  Nasa 44,526 negosyo ang nag-aplay para sa permit renewal na mas mababa ng 10.8 porsyento sa 49,956 renewal noong 2020.  

Maaaring dulot umano ito ng pagtiklop ng ilang maliliit na negosyo dahil pa rin sa epekto ng pandemya.

Show comments