MANILA, Philippines — Hinikayat ng Social Security System ang mga miyembro nito na magtungo lamang sa mga SSS branches sa pinakamalapit nilang lugar depende sa naitakdang araw ng number coding kung nais maki-pagtransaksyon ng face-to-face sa ahensiya.
Ayon sa SSS, dapat sundin ng mga miyembro ang naitakdang number-coded scheduling sa bawat araw mula Lunes hanggang Biyernes para hindi maabala o masa-yang ang pagpunta sa SSS branches.
Kung ang ending ng SSS number ay 1 at 2 ay dapat magtungo sa SSS branch ng Lunes, SSS number ending 3 at 4 ay dapat magtungo sa Martes, SSS number ending 5 at 6 ay kailangang Miyerkules lamang magtutungo sa SSS branch, ending 7 at 8 ay Huwebes at SSS number ending 9 at 0 ay dapat Biyernes lamang magpunta sa SSS branch.
Ang face-to-face transactions sa SSS branches ay para lamang sa pagbabayad ng kontribusyon at utang, pagsusumite ng requirements para sa SSS number application gamit ang SSS website, pagkuha sa SSS Umid card, pagsusumite ng original copy ng dokumento para sa claim application at iba pa.
Ayon sa SSS, ang hakbang ay upang mabawasan ang pagdami ng dadagsang tao sa SSS offices ngayong pande-mic. Kung pupunta sa SSS ay dapat magsuot ng face mask, face shield at tupdin ang social distancing.