^

Metro

Rental fee ng meat vendors sa Quezon City, inilibre!

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Rental fee ng meat vendors sa Quezon City, inilibre!
Ang mga meat vendors ay nagdesisyong hindi magtinda simula noong Lunes kasabay sa pagpapatupad sa price ceiling na itinakda ng pamahalaan sa baboy at manok sa pangambang malulugi lamang umano sila kung magtitinda dahil sa taas ng halaga ng kuha nila sa mga delaer.
Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Na-waive na ng Quezon City government ang rental fee ng meat vendors sa mga pampublikong palengke sa lungsod na hindi nagtinda dahil sa epekto sa kanila  ng ipinatupad na price cap na itinakda ng pamahalaan.

Ang mga meat vendors ay nagdesisyong hindi magtinda simula noong Lunes kasabay sa pagpapatupad sa price ceiling na itinakda ng pamahalaan sa baboy at manok sa pangambang malulugi lamang umano sila kung magtitinda dahil sa taas ng halaga ng kuha nila sa mga delaer.

“We have decided to waive their rental fees to help them cope with the current crisis, and we enjoin our private markets to do the same,” pahayag ni Mayor Joy Belmonte.

Kaugnay nito, inutos din ni Mayor Belmonte sa Market Development and Administration Department (MDAD) na makipag ugnayan sa market vendors para mabigyan ang mga ito ng kaukulang ayuda sa anumang paraan para maibsan ang pasanin sa naging epekto sa kanila ng price cap.

Inatasan din ng alkalde si MDAD Chief Procopio Lipana na palakasin ang pagsubaybay at inspection sa lahat ng private at public markets gayundin sa mga supermarkets sa lungsod na dapat sumunod sa price ceiling.

Sa ilalim ng price cei­ling  papako ang presyo ng kasim/pigue sa halagang ?270 per kilo, liempo sa ?300 per kilo at dressed chicken sa halagang ?160 per kilo sa loob ng 60 days na nagsimula  noong Lunes, Pebrero 8 hanggang March 8 ng taong ito. Ito ay para maiwasan ang pananamantala ng mga tiwaling meat traders sa panahon ng pandemic.

“We are making sure that meat retailers do not take advantage of our consu­mers and we will intensify our monitoring and enforcement in order to protect our consumers’ rights,” sabi pa ni Belmonte.

Sinabi naman ni Lipana na agad padadalhan ng notice of violation ang mga mahuhuling susuway sa price cap na itinakda ng Malakanyang.

Tiniyak din niya na round the clock ang gagawin nilang pagbabantay sa mga palengke at iba pang mga pamilihan at ang mga mahuhu­ling magtataas ng presyo ay may katapat na kaparusahan alinsunod sa batas.

VENDORS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with