Malamig na panahon, patuloy na mararamdaman sa Metro Manila - PAGASA
MANILA, Philippines — Magpapatuloy ang malamig na panahon sa Metro Manila partikular sa madaling araw dahil sa hanging amihan.
Ito ang pahayag ng PagAsa makaraang makaranas ng malamig na panahon na 9.4°C sa Baguio at 19.9°C temperatura sa Metro Manila nitong nagdaang araw ng Linggo, January 31.
Ayon kay Chris Perez, senior weather specialist ng PagAsa, ang lamig na dala ng hanging amihan ay aabot pa hanggang sa 2nd o sa 3rd week ng Pebrero sa Metro Manila lalo na sa Baguio .
Ang panahon ng amihan ay pumasok sa ating bansa simula noong Nov. 2020 .
Sa tala ng PagAsa, ang pinakamalamig na temperatura sa Baguio City ay 6.3°C noong January 18, 1961 o may 60 taon ng nakalilipas.
Bukod sa malamig na panahon, ang amihan ay nagdadala rin ng pag-ulan. Inulan naman sa pagpasok ng Pebrero ang Eastern Visayas, Caraga, at Davao Region dahil sa amihan.
- Latest