MANILA, Philippines — Simula na ngayong araw ang pagpapabakuna sa mga batang nasa edad 0-59 buwan kontra Tigdas, Rubella, at Polio.
Ayon kay Valenzuela Mayor Rex Gatchalian, bilang dagdag proteksiyon ngayong panahon ng pandemya, hindi dapat na sayangin ng mga magulang ang pagkakataon na mabigyan ng proteksiyon ang kanilang mga anak laban sa mga nakamamatay na sakit.
Dapat na tiyakin ng mga magulang na kumpleto ang bakuna ng kanilang mga anak upang matiyak ang kanilang kaligtasan.
Aniya, libre at ligtas ang pagpapabakunang ibibigay ng mga Barangay Health Station ng lungsod para sa mga batang wala pang limang taon. Tatagal ng buong Pebrero ang pagbibigay ng bakuna.