^

Metro

Bike racks sa MRT station, libre sa mga pasahero

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Bike racks sa MRT station, libre sa mga pasahero
Ayon sa MRT-3, sa ngayon ay mayroon na silang 37 bike racks na available para sa kanilang mga pasahero.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Ipinaalala kahapon ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na libreng magagamit ng mga pasahero nila ang mga bicycle racks na inilagay sa mga istasyon ng kanilang railway line.

Ayon sa MRT-3, sa ngayon ay mayroon na silang 37 bike racks na available para sa kanilang mga pasahero.

Ang mga ito ay matatagpuan anila sa North Avenue, Quezon Avenue stations, GMA-Kamuning, Cubao, Santolan-Annapolis, Ortigas, Shaw Boulevard, Boni, Guadalupe, Ayala, Buendia, at Taft Avenue .

Anang MRT-3, maaaring iwanan ng mga pasahero ang kanilang bisikleta sa mga naturang bike racks araw-araw sa panahon ng line operation hours at balikan na lamang sa kanilang pag-uwi.

Matatandaang ang mga naturang bike racks ay inilagay ng Department of Transportation (DOTr) Road Sector sa mga istasyon ng MRT-3 bilang suporta ng ahensiya sa ligtas na pagbiyahe ng mga siklista.

Marami kasing pasahero ang mas pinipiling magbisikleta na lamang sa ngayon dahil sa kakulangan ng mga pampublikong transportasyon at upang makaiwas na mahawa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Kaugnay nito, pinaalalahanan naman ng MRT-3 ang mga siklista na nais gumamit ng bike racks na magdala ng sarili nilang padlock at huwag mag-iwan ng mahahalagang gamit sa bisikleta upang hindi ito pag-interesan ng mga kawatan.

Paalala pa nito, walang magiging pananagutan ang MRT-3, sakali mang mayroong mawala o masirang gamit sa mga ilalagak na bisikleta.

MRT 3

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with