^

Metro

Publiko pinag-iingat ng PNP-HPG sa bagong modus ng carnapping

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Publiko pinag-iingat ng PNP-HPG sa bagong modus ng carnapping
Ayon kay PNP HPG Spokesperson Lt. Col. Kimberly Molitas, kabilang sa mga bagong modus ay ang Rent-Tangay, Assume Balance Scam o Pasalo-Benta, Pasalo-Benta-Bawi, Labas-Casa sa pamamagitan ng Loan Accomodation o Labas-Casa-Talon at Labas-Casa-Talon gamit ang fictitious na pangalan.
Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ng Philippine National Police - Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang publiko sa limang uri ng makabagong modus ng pangangarnap sa bansa ng mga sindikato.

Ayon kay PNP HPG Spokesperson Lt. Col. Kimberly Molitas, kabilang sa mga bagong modus ay ang Rent-Tangay, Assume Balance Scam o Pasalo-Benta, Pasalo-Benta-Bawi, Labas-Casa sa pamamagitan ng Loan Accomodation o Labas-Casa-Talon at Labas-Casa-Talon gamit ang fictitious na pangalan.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng HPG, na nakikipagsabwatan ang mga sindikato sa isang legitimate company partikular sa human resource division personnel na siyang magsilbing contact para sa isang credit investigator (CI) na tatawag at kukumpirmahin na ang isang car loan applicant ay isang empleyado.

Bilang kapalit, makakatanggap naman ng P15,000 hanggang P30,000 ang contact ng sindikato.

Babala ng HPG, dapat na mag-ingat sa mga ganitong uri ng modus at tiyakin na legal ang mga pinapasukang transaksiyon.

Sinabi pa ng HPG na hindi ngayon madalas ginagamit ng mga karnaper ang dating estilo ng pangangarnap sa mga naka-park na sasakyan at puwersahang pagkuha sa mga may ari nito.

Nananawagan naman si PNP HPG Director BGen. Alexander Tagum sa publiko na mag-doble ingat sa mga bagong modus ng carnapping.

Hinimok naman ni Tagum ang publiko na agad ipagbigay alam sa HPG kung may mga impormasyon sila ng mga sindikato.

Ayon kay Tagum maaaring tawagan ng publiko ang kanilang hotline number 09262255474.

CARNAPPING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with