120 bagong LRVs para sa LRT-1 Cavite Extension, kasado na

MANILA, Philippines — May 120 na bagong light rail vehicles (LRVs) na gagamitin para sa expansion ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) Cavite Extension ang nakatakdang ipakita sa publiko ng Department of Transportation (DOTr).

Ayon sa DOTr, ang pagpapakita sa mga naturang LRVs ay isasagawa sa isang arrival ce­remony ngayong Martes, Enero 26.

Nabatid na ang mga naturang bagong LRVs ay mula pa sa Spain at Mexico.

Ang mga ito ay bubuin umano sa 4th Generation trains at gagamitin para sa LRT-1 expansion at Cavite Extension project.

Nabatid na ang patuloy na ekspansyon ng LRT-1 ay nagpapatuloy sa pakikipag-kooperasyon at koordinasyon ng DOTr, Light Rail Transit Authority (LRTA), Light Rail Manila Corporation (LRMC), Japan International Coo­peration Agency (JICA), Mitsubishi Corporation, at Construcciones y Auxiliary de Ferrocariles (CAF) at CMX Consortium.

Una nang inianunsiyo ng DOTr na ang LRT-1 extension project patu­ngong Cavite ay 51.6% na nilang natatapos.

Inaasahan umano nilang makapagpa-partial operation na ito bago matapos ang taong 2021.

Sa kasalukuyan ang LRT-1 ay may habang 20.7 kilometro mula Roosevelt Station sa Quezon City hanggang sa Baclaran Station sa Parañaque City.

Sa sandaling matapos ang Cavite extension nito ay inaasahang mada­ragdagan pa ang railway line ng may 11.7 kilometro o hanggang sa Niog, Bacoor sa Cavite. 

Inaasahan namang makatutulong ang proyekto upang mapabilis ang travel time mula Baclaran hanggang Bacoor ng hanggang 25 minuto na lamang, mula sa kasalukuyang isang oras.

Inaasahan ding makapagsisilbi ito sa mahigit 500,000 hanggang 800,000 pasahero kada araw.

 

Show comments