^

Metro

P70 milyong illegal goods, kinumpiska ng BOC

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
P70 milyong illegal goods, kinumpiska ng BOC
Ayon sa pamunuan ng BOC, ang pagsusumikap nila na mahuli ang mga puslit at mga pekeng produkto, ay isang on-going effort ng ahensiya, sa ilalim ng direktiba ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero.
STAR/File

MANILA, Philippines — Kinumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC), sa pamamagitan ng Manila International Container Port (MICP), ang nasa P70 milyong halaga mga illegal goods sa Quirino Avenue, Tambo, Parañaque City kamakailan, alinsunod na rin sa commitment nila na sugpuin ang smuggling sa bansa.

Isang grupo na binubuo ng mga miyembro ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Philippine Coast Guard (PCG), at National Bureau of Investigation (NBI) ang nagpatupad ng Letter of Authority (LOA) at ininspeksiyon ang isang warehouse sa lugar, nitong Enero 18, na nagresulta sa pagkakadiskubre ng iba’t ibang uri ng Chinese cigarettes, Chinese medicines, ipinagbabawal na surgical mask, foodstuff, footwear, garments, at iba pang imported goods.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan kung paano nakapasok sa bansa ang mga illegal goods, na isinasailalim sa inventory para sa case build up at kaukulang pagsasampa ng kaso.

Ayon sa pamunuan ng BOC, ang pagsusumikap nila na mahuli ang mga puslit at mga pekeng produkto, ay isang on-going effort ng ahensiya, sa ilalim ng direktiba ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero.

Nananatili ang MICP na matatag sa pagpapalakas ng kanilang pagsisikap para matiyak na mahigpit ang border security sa bansa, bilang bahagi nang pagtupad sa pangunahing mandato nito.

BUREAU OF CUSTOMS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with