^

Metro

Higit 3,000 estudyante sa Navotas, nabiyayaan ng Smart phones

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nabiyayan ng pahabol na aginaldo ang aabot sa 3,057 na mga estudyante partikular na ang nasa K-12 o mula sa mga public elementary at high school na saklaw ng school year 2020-2021 matapos na mamamahagi ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng mga Smart phones para magamit ng mga ito sa online learning.

Ang mga beneficiaries ay kabilang sa mga idineklara noong nakalipas na enrollment na walang sariling mga gadget para sa online classes ng mga mahihirap na estudyante.

“We set aside P4.5 million from our Special Education Fund and realigned P9.8 million of our budget for the programs of the Navotas City Council for the Protection of Children. This enabled us to purchase 2,682 smart phones for our students,” pahayag ni Mayor Toby Tiangco.

Samantala, nagbigay naman si Navotas City Rep. John Rey Tiangco ng 350 cellphones para sa Tutor Learning Child (TLC) at Support Our Students (SOS) programs.

Ang TLC ay pinagsamang proyekto ni Rep. Tiangco at Department of Education-Navotas na inilaan upang tulungan ang mga nag-aaral sa K-12 na walang sinumang nagtuturo para gabayan sila sa modular lessons o walang gadget para sa mga nag-aaral sa kanilang bahay.

Maliban sa mga Smart phones mula sa pamahalaang lungsod at kay Cong. Tiangco, tumanggap din ang DepEd-Navotas ng 25 unit-donation mula sa isang pribadong organisasyon.

“Navotas has a meager budget compared with other ci­ties in Metro Manila, but we do what we can to provide for the needs of our students and support their schooling,” ani Mayor Tiangco.

K12

ONLINE LEARNING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with