^

Metro

23-anyos flight attendant natagpuang patay sa hotel

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
23-anyos flight attendant natagpuang patay sa hotel
Kinilala ang biktimang si Christine Angelica Da­cera Y Faba, residente ng Block 21, Lot 1, VS Home Subdivision Barangay San Isidro, General Santos City, South Cotabato.
STAR/ File

Dumalo sa New Year’s party

MANILA, Philippines — Isang 23-anyos na flight attendant ang nadiskubreng patay matapos ang isinagawang New Year’s party kasama ang mga kaibigan sa isang hotel sa Makati City.

Kinilala ang biktimang si Christine Angelica Da­cera Y Faba, residente ng Block 21, Lot 1, VS Home Subdivision Barangay San Isidro, General Santos City, South Cotabato.

Sa imbestigasyon, dakong alas 12:30 ng mada­ling araw ng Enero 1, 2021 ang biktima kasama ang kapwa niya cabin crew at kaibigang si Rommel Galida, Gregorio Angelo Rafael De Guzman at John Dela Serna ay nag-check-in sa isang hotel sa Kalayaan Avenue sa Bgy. Poblacion para iselebreyt ang Bagong Taon.

Una rito, sinabi umano ni Rommel na bandang alas-10 ng umaga nang magising siya ay nakitang nakatulog sa bath tub ang biktima kaya kinumutan ito at saka siya bumalik sa pagtulog.

Nang magising muli si Rommel ay nakita na nangingitim na ang biktima kaya tinawag sina de Guzman at dela Serna na nagpasaklolo naman sa staff at dinala sa clinic ng hotel ang biktima para sa Cardio Pulmonary Resuscitation.

Nang wala na umanong pulso ay itinakbo sa Makati Medical Center (MMC).

Ayon kay Makati City Police Station chief, P/Colonel Harold P. Depositar, alas 5:00 ng hapon ng Enero 1, 2021 nang ­ipaalam sa pulisya ng MMC ang kaso ng pagkamatay ng biktima.

Ayon aniya sa cursory examination sa bangkay, may abrasions at hematoma o mga pasa sa hita at tuhod habang inaalam pa kung may posibleng ‘rape’ o ‘gang rape’ na naganap bagamat hinihintay pa ang official results sa isinagawang medico legal ng PNP at Toxicology results kung may presence ng alcohol o droga ang bangkay dahil ang hawak pa lang na cause of death ay “aneurysm” na secondary lang umanong cause of death.

Sakaling may naganap na ‘foul play’, magiging person of interest ang siyam na indibidu­wal na kasama ng biktima sa naganap na party sa hotel.

Ayon kay Depositar, bukod sa magkakaibigan, may dumating din umanong “friends of friends” ng biktima kaya umabot sila hindi bababa sa 10 katao kaya nagdagdag pa ng isang kuwarto.

‘Yung iba umanong kasama sa party ay nag-uwian na matapos ang inuman habang ang iba ay natulog sa isa pang kuwarto.

NEW YEAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with