^

Metro

Konduktora sinilaban ng pasahero sa bus

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Konduktora sinilaban ng pasahero sa bus
Kabilang sa mga namatay ang konduktora na si Amelene Sembana, nasa hustong gulang, at isang hindi pa kilalang lalaki, na inaalam pa ng mga awtoridad kung ang pasahero/suspek ba na nakaaway ni Sembana.
STAR/ File

Kapwa natusta

MANILA, Philippines — Dalawang katao ang natusta habang apat na iba pa ang nasugatan nang buhusan ng hinihinalang gas o alkohol at silaban ng isang pasahero ang nakaaway na konduktora sa loob ng isang pampasaherong bus, sa Commonwealth Avenue, Quezon City kahapon ng hapon.

Kabilang sa mga namatay ang konduktora na si Amelene Sembana, nasa hustong gulang, at isang hindi pa kilalang lalaki, na inaalam pa ng mga awtoridad kung ang pasahero/suspek ba na nakaaway ni Sembana.

Samantala, apat na pasahero pa na hindi agad natukoy ang pangalan ang nadamay at nasugatan din dahil sa sunog.

Batay sa ulat ng QC Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-12:39 ng hapon nang maganap ang insidente sa southbound lane ng Commonwealth Avenue.

Sa salaysay ni Valentino Obligasion, 45, driver ng Fairview Bus, na may plakang NAL-6673 at body number na 1606, kasalukuyan nilang binabaybay ang southbound lane ng Commonwealth Avenue, patungong Pearl Drive sa Greater Fairview, nang sa ‘di pa batid na kadahilanan ay magkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng kanyang konduktora at pasahero.

Nauwi umano sa suntukan at sapakan ang pagtatalo hanggang sa hatakin ng pasahero ang biktima sa dulo ng bus.

Kumuha umano ito ng maliit na bote, na may lamang hinihinalang gas o alkohol at ibinuhos sa konduktora bago ito itinulak.

Nang makatayo ang konduktora ay saka umano sinilaban ng pasahero ang biktima na tinangka pang tumakbo ngunit nag­liyab na rin ang katawan nito at nadamay ang bus.

“May nakaaway po ‘yung konduktor na pasahero... Nung nakita na lang po, tumatakbo na ‘yung konduktor ko, sinindihan siya nung pasahero... Dun na po nag-umpisa ang sunog,” aniya. “Hindi ko po alam kung gas o alkohol.”

Nagpanik ang iba pang sakay na pasahero, na nauwi sa tulakan at kaniya-kaniyang talunan ng bus upang makatakas.

Kaagad naman umanong binuksan ng driver ang pinto ng bus upang makalabas ang mga pasahero.

May ilang pasahero naman ang napilitang basagin ang mga bintana ng bus upang makatalon mula sa nasusunog na bus.

Nabatid na naging mabilis ang pagkalat ng apoy sa loob ng bus dahil sa mga plastic barrier na nasa loob nito.

Mayroon naman umanong fire extingui­sher sa loob ng bus ngunit hindi ito kinaya sa mabilis na pagkalat ng apoy.

Ayon naman kay SF03 Francisco Mabunga ng QC Central Fire Station, dakong ala-1:20 ng hapon na nang maapula ang apoy, na tumupok sa tinatayang aabot sa P50,000 halaga ng mga ari-arian.

BUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with