^

Metro

Minors bawal muna sa Luneta

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Minors bawal muna sa Luneta
Matapos dagsain noong Pasko ang Rizal Park, kahapon ay sinimulan na uli itong i-disinfect ng maintenance worker, gayunman naglabas ng kautusan ang pangasiwaan na hindi na muna nila pahihintulutan na pumasok sa parke ang mga bata o menor-de-edad para na rin sa kanilang kaligtasan sa COVID-19.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Kung noong nakaraang Pasko ay pinayagan pang makapasok sa Luneta ang mga menor-de-edad basta’t kasama ang mga magulang, kahapon nag-abiso na ang pangasiwaan ng parke na hindi na papayagang makapamasyal sa Luneta ang kabataan dahil na rin sa pag-iingat na mas ma­dagdagan pa ang bilang ng nakakaroon ng coronaviruis disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ni Rizal Park  Administrator Cecille Lorenzana Romero na kahit pinayagan pa nila na makapamasyal noong Pasko ang minors  sa Luneta ay sinimulan na nila itong ipagbawal kahapon matapos mapagdesisyunan ng kanilang pamunuan at sa pakikipag-ugnayan sa Manila City Government.

Mayroon umanong pami-pamilya na nagtutungo kasama ang mga bata na du­magsa nitong araw ng Pasko subalit dahil sa pag­dagsa mas mabuting huwag na umanong payagang may mga batang makapasok sa Luneta lalo’t may bagong strain pa ng virus sa ibang kalapit na bansa at sa pagtaas na rin ng mga bagong kaso.

Kung tutuusin, aniya, nasa 30,000 naman ang kapasidad ng Luneta park na malayo naman sa pinapayagang bilang na maari ngayong makapasok sa Luneta na 2,000 lamang sa bawat pagkakataon pero nagdesisyon na rin na ‘wag nang papasukin ang mga menor-de-edad para na rin sa kanilang kaligtasan..

Hindi rin pinapayagan ang mga vendor na makapasok sa parke.

Nitong Disyembre 25, nasa 4,000 katao ang bumisita sa parke na kinailangan pa nilang pumila para sa pagkuha ng body temperature bago makapasok.

Kasabay nito, sinabi rin ni Romero na walang magaganap na anumang events sa darating sa paghihiwalay ng taon at  Bagong Taon tulad ng nakagawiang fireworks displays upang hindi na dagsain ng tao na mag­reresulta sa mass gatherings.

“Wala kaming event ngayong New Year. Tahimik ang Bagong Taon ngayon sa Luneta, walang fireworks,” aniya.

LUNETA

MINOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with