^

Metro

46 pulis positibo sa droga-PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
46 pulis positibo sa droga-PNP
Ayon kay Sinas may mga nairekomenda nang maidismis sa nasabing mga parak habang ang iba ay patuloy na nililitis ang mga kaso.
STAR/File

MANILA, Philippines — Umaabot sa 46 pulis ang nagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga sa taong kasalukuyan.

Ito ang ibinulgar kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Debold Sinas kaugnay ng mga kaso ng mga pulis na sangkot sa paggamit ng ilegal na droga.

Sinabi ni Sinas na ang nasabing bilang ay nairekord mula Enero 1 ng taong ito hanggang Disyembre 18,2020.

Sa kasalukuyan, ayon pa sa PNP Chief ang kaso ng nasabing mga parak ay hawak ng PNP Internal Affairs Service .

“As to the status of the case, tinanong na po namin ang PNP-IAS on the case dito”, pahayag ni Sinas.

Ayon kay Sinas may mga nairekomenda nang maidismis sa nasabing mga parak habang ang iba ay patuloy na nililitis ang mga kaso.

Nabatid pa na 20 sa 46 pulis ay nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Sinas na kakalusin ang mga pulis na sangkot sa ilegal na droga na hindi niya bibigyang puwang sa PNP.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with