MANILA, Philippines — Umaabot sa P54 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska mula sa dalawang bigtime drug dealers sa drug buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng PNP, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Intelligence Service of Armed Forces of the Philippines (ISAFP) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) kahapon sa Muntinlupa City.
Ayon kay PNP Chief, Gen. Debold Sinas, dakong alas-5 ng hapon nang arestuhin ang mga suspek na sina Renzy Louise Javier Vizcarra at Red Lewy Javier Vizcarra sa harap ng isang fastfood sa Tunasan, Muntinlupa.
Nakuha sa mga suspek ang walong kilo ng pinaniniwalaang shabu, 3 cellphone, boodle money at isang sasakyan.
Sinabi ni Sinas na ang mga suspek ay isa sa mga ‘major players’ sa drug distribution sa bansa.
Ang pagkakakumpiska ng mga droga ay indikasyon ng maayos na sistema at kooperasyon ng mga law enforcement agencies.
Aniya, ?24/7 nagtatrabaho ang mga pulis upang unti-unting masawata ang illegal drugs sa bansa.