70% ng pulis sa mga presinto, ikakalat ng MPD

MANILA, Philippines — Mas maraming mga pulis ang ipinakalat ni Manila Police District director, P/Brig. General Leo Francisco partkilar sa mga lugar na nagsimula nang dinagsa ng mga tao kaugnay sa Kapaskuhan.
Ito’y matapos magdeploy na ng karagdagang puwersa mula sa mga lokal na presinto para sa police visibility na magpapaalala sa publiko kaugnay sa minimum health standards na ipinatutupad dahil sa banta na rin coronavirus disease 2019 (COVID-19) at mapigilan ang anumang krimen.
“Ang kuwenta namin dapat na 70% ng mga tauhan ng bawat presinto ay dapat na makita sa labas” ani Francisco.
Kabilan dito ang pagtatalaga ng mga pulis sa malapit sa entrance at exit ng mga malls para makatulong sa mga house security ng malls at checkpoints sa panulukan ng C.M. Recto Avenue at Ylaya Streets sa Divisoria.
Gayundin ang police visibility na ipatutupad sa mga paligid ng malls at simbahan sa iba pang lugar sa lungsod.
- Latest