Ex-NBI agent na wanted sa murder, huli

Sinabi ni PBrig. Ge­neral Danilo P Macerin, director ng QCPD, dinakip kamakalawa ng hapon sa may Brgy. Pasong Tamo sa Quezon City ang akusadong si Saul Hermano, 56, dating NBI Special Investigator Agent 3, na nag- AWOL noong 2009, ng Brgy. San Roque, Marikina City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Arestado ng pinagsanib na puwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO), Quezon City Police District (QCPD) at PRO-IV-A ang isang dating ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) na itinuturing na Top 1 most wanted kaugnay sa dalawang kaso ng murder na kinasasangkutan nito.

Sinabi ni PBrig. Ge­neral Danilo P Macerin, director ng QCPD, dinakip kamakalawa ng hapon sa may Brgy. Pasong Tamo sa Quezon City ang akusadong si Saul Hermano, 56, dating NBI Special Investigator Agent 3, na nag- AWOL noong 2009, ng Brgy. San Roque, Marikina City.

Sa rekord, si Hermano ay nangunguna sa talaan ng  most wanted person sa regional level kaugnay sa two counts ng murder at may warrant of arrest na inisyu ni Muntinlupa City Branch 256 Acting Presiding Judge Leandro C. Catalo, na walang inirekomendang piyansa.

Hinihintay pa ang commitment order ng korte para mailipat ng kulungan ang akusadong si Hermano.

Nobyembre 2009 nang himukin ni dating NBI director Nestor Mantaring si Hermano na sumuko na lamang sa pulisya at harapin ang kaso ng pamamaril na ikinasawi ng mga biktimang sina Noly Dimaapi at Edmundo “Ding” Ullega, dakong alas-9:45 ng gabi  noong Nob. 16, 2009 sa harapan ng bahay ni Dimaapi, sa Katarungan Village 2, Muntinlupa City .

Napaulat na nagalit at nainsulto si Hermano nang tawagin siyang ‘andres de saya’ o takot sa asawa ng mga biktima.

“The arrest of the suspect is the result of the community’s support to QCPD’s relentless crime prevention and solution despite the challenge of pandemic in our city in line with the directive of Acting Regional Director PBGen Vicente D Danao Jr,” ani Macerin.

Show comments