Project Sagip Batang Solvent, nasa pangangalaga na ng QC ADAAC
MANILA, Philippines — Naiturn-over na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pamamahala sa Project Sagip Batang Solvent (PSBS) reformation center sa Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council (QCADAAC) sa Novaliches, Quezon City sa isang simpleng okasyon na dinaluhan ni Mayor Joy Belmonte na siyang Chairperson ng QCADAAC, PDEA Director General Wilkins M. Villanueva, PDEA officers at mga empleyado.
Layunin ng PSBS na mapagkalooban ng mas maayos na pangangalaga, gayundin mailatag ang interventions tulad ng edukasyon, counselling, values formation, talent at skills development, livelihood at entrepreneurship training sa mga batang naabuso sa paggamit ng solvent.
Ayon kay Villanuena, may 108 kabataan na ang nakakumpleto sa 14 week reformation intervention program.
Nakapaloob sa programa ang Home Life Skills and Education sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS) para magkaroon ng formal education ang mga bata sa pamamagitan ng Department of Education (DepED)-ALS Mobile Teachers, at Quezon City Anti-Drug Abuse Council (ADAC).
Sa ngayon ang pasilidad ay may 108 reached-out clients na may edad 17-anyos na pinaka matanda at ang pinakabata ay 9-anyos na naging solvent users na ngayon nga ay patuloy na tinutulungan.
- Latest