^

Metro

Angkas at Joyride, inisyuhan na ng Certificate of Compliance

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Angkas at Joyride, inisyuhan na ng Certificate of Compliance
Ayon sa MC Taxi TWG, ito’y matapos na maging fully-compliant na ito sa mga guidelines ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at TWG, na itinatakda sa ilalim ng Motorcycle Taxi Pilot Program.c
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Inisyuhan na ng Motorcycle Taxi Technical Working Group (MC Taxi TWG) ng Certificate of Compliance ang bike-hailing firms na Angkas at Joyride nitong Lunes, Disyembre 7.

Ayon sa MC Taxi TWG, ito’y matapos na maging fully-compliant na ito sa mga guidelines ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at TWG, na itinatakda sa ilalim ng Motorcycle Taxi Pilot Program.

Nangangahulugan ito na tuluy-tuloy na ang paglahok ng Angkas at Joyride sa naturang Motorcycle Taxi Pilot Program, na isinasagawa ngayon ng pamahalaan.

Ayon sa MC Taxi TWG, ang naturang sertipikasyon ay balido sa buong panahon ng MC Taxi Pilot Study maliban na lamang kung bawiin nila ito o kanselahin.

Matatandaang ang pilot testing para sa motorcycle taxis ay umarangkada na muli noong Nobyembre 23.

Bukod sa Angkas at Joyride, kalahok din sa naturang pilot tes­ting ang MoveIt.

TWG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with