^

Metro

Miyembro ng ‘basag-kotse’ nasakote sa ospital

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa ospital natunton ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 7 ang isa sa dalawang mi-yembro ng “Basag-Kotse” gang na naka-engkwentro ng mga tauhan ng Quezon City Police District, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Tactical Motorcycle Riding Unit (TMRU) sa pangunguna ni P/Master Sgt. Roel Hernandez ng MPD-Station 7 kay District Director P/Brig. General Leo Francisco, naaresto ang suspek na si Edrian Limos, 27, residente ng Bagong Pag-asa, Quezon City sa MCU Hospital makalipas lang ang mahigit kalahating oras ng engkuwentro sa Quezon Avenue (Delta), Barangay Paligsahan, Quezon City.

Sa ulat, alas 10:30 ng gabi, nakatanggap ng tawag ang MPD-Station 7 mula sa admitting staff ng MCU Hospital na nagbeberipika hinggil sa isang pasyenteng sugatan sa pamamaril na isinugod ng isang Erizz Ramera.

Sa rekord ng ospital, nabaril umano si Limos ng ‘di kilalang suspek sa Tayuman corner J. Abad Santos Sts., sa Tondo, Maynila.

Subalit sa beripikasyon sa Brgy. 225 sa tinukoy na lugar ay walang naganap na shooting incident gayundin ang nakasasakop na Golf 1 Beat 3 Tayuman PCP kaya agad pinuntahan ng 5 miyembro ng TMRU ang MCU Hospital.

Habang inimbestigahan sa ospital ng TMRU, dumating ang mga tauhan ng QCPD na sina P/SSgt.  Dondon Sultan at 2 pang police officers at positibong kinilala si Limos na nakatakas sa gitna ng engkuwentro.

Ayon kay Sultan, rumesponde sila sa insidente ng basag-kotse at nakita niya ang papatakas na mga suspek sa Welcome Rotonda, sa Brgy. Sta. Teresita, QC na kanilang hinabol. Pagsapit sa Delta, Quezon Ave. ay pinaputukan sila na nauwi sa palitan ng putok at tinamaan sa kaliwang ibabang bahagi ng katawan si Limos, habang si Sultan ay tinamaan sa dibdib na masuwerteng nakasuot ng bullet vest.

Itinurn-over na ang paghawak sa kaso kay P/Corporal Jesus Lapinid III ng lalola Station 1, habang bantay-sarado nila ang pasyenteng suspek.

Una nang inalerto ng QCPD ang MPD hinggil sa pagtakas ng sugatang suspek habang ginagalugad ang mga pagamutan na posibleng pagdalhan sa biktima.

BASAG KOTSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with