^

Metro

Mayor Isko, paluluwagin ang Divisoria

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mayor Isko, paluluwagin ang Divisoria
“We will put order in our own little and we will reinforce our effort na maglagay ng mga COVID marshall natin at additional enforcement unit para magpaalala, we will continue to remind to really care from themselves,” ayon kay Moreno sa pahayag ng DZMM.
The STAR/Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Nangako si Manila City Mayor Isko Moreno na gagawin ang buong makakaya para mapaluwag ang Divisoria na dinadagsa ngayon ng maraming tao para sa mga nais makamura sa kanilang mga Pamasko at mga negosyante na nagre-resell.

“We will put order in our own little and we will reinforce our effort na maglagay ng mga COVID marshall natin at additional enforcement unit para magpaalala, we will continue to remind to really care from themselves,” ayon kay Moreno sa pahayag ng DZMM.

Ngunit inamin ng alkalde na sadyang mahirap na pagbawalan ang tao na mapuno ang Divisoria dahil sa rami ng nais makatipid ngayong Kapaskuhan na pinalala pa ng kawalan ng tao ng gumastos dulot ng pandemya.

“Una, ‘di ko kayo mabibigyan ng garantiya na ‘di mag-overcrowd ang Divi(soria) dahil ang Divi ay puntahan ng mga mamimili hindi lang ng mga batang Maynila,” ayon sa alkalde.

“’Yan ay distributorship, maraming namimili para ibenta rin sa kanilang mga probinsya o lugar,” dagdag pa niya.

Nakagawa naman umano sila ng pagbabago sa Divisoria sa pagpapaluwag sa Recto Avenue at Juan Luna Street sa pagbabawal sa mga vendors doon. Iginiit niya na mananatiling walang obstruksyon sa naturang mga kalsada maging sa Soler Street.

Sa pagpapatupad ng Simbang Gabi, sinabi ni Moreno na wala siyang problema sa mga pinuno ng simbahan na nakikipagtulungan sa kanila ngunit ang inaalala niya ay ang mga tao sa labas ng simbahan kapag napuno na ang itinakdang kapasidad ng simbahan.

Nagpaalala na lamang siya na palagiang sundin ang ‘minimum health standards’ ng pamahalaan kabilang ang palagiang pagsusuot ng face masks at shields, physical distancing at iwasan ang pakikipag-usap lalo na sa mga hindi kakilala.

COVID-19

DIVISORIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with