‘No fail’ policy ipapatupad ng UP

The University of the Philippines' Oblation Statue
BY-NC-ND/Butch Dalisay

MANILA, Philippines — Walang mag-aaral ng University of the Philippines (UP) ang makakakuha ng bagsak na grado ngayong semester.

Ayon sa Office of the Student Regent (OSR) ipaiiral nila ngayong semester ang ‘no fail’ ­policy sa hanay ng kanilang mga estud­yante bilang suporta ng paaralan sa estado ng edukasyon ngayong panahon ng pandemic.

Sa ilalim ng naturang polisiya, walang mag- aaral ang makakakuha ng gradong 4 at 5.

Binigyang diin ng OSR na magpapalabas ng kaukulang guidelines ang Vice President for Academic Affairs hinggil sa naturang polisiya.

Show comments