‘No fail’ policy ipapatupad ng UP
MANILA, Philippines — Walang mag-aaral ng University of the Philippines (UP) ang makakakuha ng bagsak na grado ngayong semester.
Ayon sa Office of the Student Regent (OSR) ipaiiral nila ngayong semester ang ‘no fail’ policy sa hanay ng kanilang mga estudyante bilang suporta ng paaralan sa estado ng edukasyon ngayong panahon ng pandemic.
Sa ilalim ng naturang polisiya, walang mag- aaral ang makakakuha ng gradong 4 at 5.
Binigyang diin ng OSR na magpapalabas ng kaukulang guidelines ang Vice President for Academic Affairs hinggil sa naturang polisiya.
- Latest