Wild diseases dahil sa mga bagyo, ibinabala ng DOH

Ang WILD diseases ay ang mga ‘waterborne at foodborne na sakit, influenza, leptos­pirosis at dengue’ na karaniwang tumatama sa mga komunidad na nasalanta ng bagyo dahil sa kawalan ng suplay ng malinis na tubig at pagkain.
KJ Rosales/File

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko ukol sa posibilidad na pagkalat ng ‘WILD diseases’ kasunod ng mga bagyo na tumama sa bansa na nagdulot ng matitindi pang pagbaha.

Ang WILD diseases ay ang mga ‘waterborne at foodborne na sakit, influenza, leptos­pirosis at dengue’ na karaniwang tumatama sa mga komunidad na nasalanta ng bagyo dahil sa kawalan ng suplay ng malinis na tubig at pagkain.

“We are very wary of possible outbreak of communicable, waterborne and vector-borne diseases after disasters, lalo pa nga-yong may pandemya na maaring magdulot ng complex situation.Kaya po bago pa lang pumasok ang rainy season ay nag­la­bas na po kami ng guidelines para sa mga regional offi­ces ng DOH upang makapaghanda ng contingency measures laban sa mga sakit ng kung tawagin namin ay WILD,” ayon kay Health Secretary Francisco Duque III. 

Inalerto na ng DOH ang kanilang Centers for Health Development para sa masusing pagtukoy sa posibleng pagkalat ng naturang mga sakit katuwang ang mga lokal na pamahalaan.

Paliwanag pa ng DOH, ang ‘influenza’ ay karaniwang tuma­taas sa mga buwan ng Hulyo at Oktubre tuwing tag-ulan.  Ang mga hindi dumadaloy na baha rin ay pinamumugaran ng mga lamok at daga na nagdudulot ng mga sakit tulad ng dengue at leptospirosis.

Ang kawalan na-man ng suplay ng malinis na tubig ay maaaring magdulot ng iba pang mga sakit tulad ng cholera, typ­hoid fever, dysen­tery, amoe­biasis, he­patitis A at acute gastroenteritis.

 

Show comments