Higit 6K pamilya sa Pasay kabilang sa bagong batch na tatanggap ng ayuda
MANILA, Philippines — Nasa 6,317 pamilya sa Pasay City ang makakatanggap na ng P8,000.00 financial assistance mula sa Social Amelioration Program (SAP) na ang pamamahagi ay sinimulan na noong nakaraang Martes.
Bukod ito sa hiwalay na batch na nasa 20,350 pamilya na nakatanggap na ng SAP cash aid noong Oktubre 21 hanggang Nobyembre 4.
Sa kabuuan, nasa 26,557 kabuuang recipients ng SAP na kabilang sa first tranche o SAP ang nabigyan at mabibigyan ng ayuda.
Sinabi ni Mayor Emi Calixto-Rubiano: “I am aware of the need of Pasayenos for this cash aid which was made possible by President Duterte. This aid is especially very important to those whose employment or livelihood was adversely affected as a result of the pandemic, which has even made a heavy impact on our economy as a whole. This is why I have consistently been following this up with the DSWD central office. And, I am thus thankful when the DSWD told me that they were already about to implement this new payout.”
Ang mga benepisyaryo ng SAP ay makatatanggap ng text message na magsasabi kung maaari nang makuha ang P8K cash sa Robinson’s Bank na ginawang service provider ng DSWD.
Samantala, sa mga nagpalit ng contact numbers o nawalan ng contact numbers na nakalagay sa kanilang SAP form ay pinayuhang makipag-ugnayan sa alinmang 12 PSWDD Unit Offices para mai-upate at maayos ang data na ifo-forward sa RBank.
Sa mga hindi naman agad maayos ang rekord o permanenteng nawalan ng contact numbers, isasama na lang sila sa malatatanggap ng cash aid sa pamamagitan ng Star Pay - Universal Storefront Services Corporation (Starpay-USSC), na iaanunsiyo kung kailan sisimulan.
- Latest