^

Metro

E-Scooter pinapayagan na sa Valenzuela

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinapayagan na sa lung­sod ng Valenzuela  ang paggamit ng e-scooter  matapos na maipasa ito sa 14th Special Session ng  konseho.

 Batay sa Ordinance No. 811, Series of 2020 o “2020 E-Scooter Ordinance of Valenzuela City” pinapayagan na  ang mga e-scooters na dumaan sa lahat ng mga kalsada, kalye at eskinita sa lungsod maliban sa kahabaan ng McArthur Highway.

Ayon kay Mayor Rex Gatchalian, nakasaad sa ordinansa na kailangan may suot na helmet, knee pads, wrist pads at elbow pads ang mga sumasakay ng e-scooter.

 Tanging ang mga 17 taong gulang pataas lamang ang maaaring magmaneho ng e-scooter. Ang mga 16 taong gulang pababa ay maaaring payagan basta’t gagamitin ang e-scooter sa sariling pribadong ari-arian o compound at may gabay ng kanilang mga magulang.

Ang sinumang lumabag sa ordinansa ay pagmumultahin ng P500.00 o 24 oras na community service.

E-SCOOTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with