5 malls nagbigay ng libreng serbisyo sa apektado ni Rolly

Hinayaan nilang bukas ang restrooms, hindi na pinagbabayad ang magpaparada ng sasakyan ‘overnight’ sa kanilang parking areas, may access sa free wifi at charging stations.
Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Limang malls sa Lungsod ng Muntinlupa na kahit nagsarado dahil sa  Typhoon Rolly  ay bukas naman sa pagbibigay ng serbisyo sa mga apektadong kababayan.

Hinayaan nilang bukas ang restrooms, hindi na pinagbabayad ang magpaparada ng sasakyan ‘overnight’  sa kanilang parking areas, may access sa free wifi at charging stations.

Sa advisory ng Festival Mall na nagsara ng alas 3:00 ng hapon kahapon (Nobyembre 1), “Our doors will remain open to customers who will be stranded due to typhoon. There will be access to designated restrooms at the mall and overnight parking fees for today will be waived.”

Sa advisory ng SM Center Muntinlupa na nagsara ng ala 1:00 ng hapon kahapon,” We welcome anyone who wishes to seek temporary shelter from Typhoon Rolly. Overnight parking charges are waived..”

Ang South Park Cen­ter naman ay nagsabing “We will keep our doors open as shelter for you-our customers-to wait out the storm inside the safety and comfort of our mall. Designated waiting araea and restrooms are accessible and overnight parking will be waived.”

Hindi naman nagbukas pa ang Alabang Town-Ayala Malls at nag-abiso naman na “designated waiting areas and restrooms are accesible and overnight parking will be waived.”

Gayundin ang naging abiso ng Starmall sa advisory nito: “Our malls may serve as shelters for stranded customers and commuters affected by Typhoon Rolly. “

Bukas ang Starmall sa overnight parking, rest­rooms, power outlets para sa charging ng cellphones at libre ang wifi access.

Show comments