^

Metro

Underground Chinese clinic sa Makati, ni-raid

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines— Isang 58-anyos na Chinese national ang dinakip  sa pagpapatakbo ng isang underground clinic kung saan nasamsam sa kanya ang iba’t ibang gamot at health products na may Chinese charac­ters at labels, sa Makati City, ka­makalawa ng gabi.

Sa ulat ng Makati City Police Station na pinangunahan ni P/Major Tyrone Valenzona, kasama ang mga kinatawan ng Makati City-Bureau of Permit and Licensing Office (BPLO), inaresto ang suspek na si He Pian Yun, sa kaniyang klinika sa  5th flr ng Oyo 196 Destiny hotel na matatagpuan sa Mariano St., Brgy. Poblacion, Makati City, alas-9:00 ng gabi kamakalawa.

Nang makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa iligal na operasyon ng klinika, agad nagsagawa ng inspeksiyon sa lugar at napatunayang may ginagawang paglabag ang suspek sa Republic Act  9711 (Food and Drug Administration Act of 2009) dahil sa kawalan ng license to operate.

Ginagamit ng suspek ang kaniyang unit sa surgical procedures sa kaniyang mga kliyenteng kapwa Chinese national, at pagbebenta ng mga Chinese medicines at health products.

GABI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with