Panukalang ipangalan kay FPJ ang Roosevelt Avenue, ok sa Quezon City LGU
QUEZON CITY, Philippines — Suportado ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang hakbang ng QC council na maipasa ang resolusyon na humihiling sa Kongreso na ipangalan kay Fernando Poe Jr. ang Roosevelt Avenue at hindi ang Del Monte Avenue.
Ito ay makaraang paboran ng QC Council Committee on Cultural Affairs and Tourism na pinangungunahan ni QC Councilor Candy Medina at stakeholders na maipangalan kay FPJ ang naturang kalsada.
“It is but right and proper to honor the late Fernando Poe Junior for his invaluable contribution to the city and our culture. At the same time, we also recognize the historical and religious significance of the area. We are hoping this issue will be resolved judiciously,” pahayag ni Belmonte .
Pinapurihan din ni Belmonte si Senate President Tito Sotto sa kaparehong proposal na maipangalan ang Roosevelt Avenue sa hari ng action na si FPJ bilang pagkilala sa naging kontribusyon nito sa pelikulang Pilipino.
“The Senate President’s suggestion to rename Roosevelt Avenue after the late action king more popularly known as FPJ is a welcome development and a win-win solution for everyone concerned. We thank the Senate President for sharing his wisdom and for providing us with a situation that is acceptable to everybody,” dagdag ni Belmonte.
Una nang tumutol ang mga pari, mga residente at iba pang stakeholders sa original Senate bill ni Senador Lito Lapid dahil ang kalsada ay may historical at religious significance.
Ang pangalan ay mula kay San Francisco del Monte, isang retreat na binuo noong 1590 ng Franciscan missionary Fray Pedro Bautista na ginawang Santo .
Niliwanag naman ni Sotto na nais niyang palitan ang Roosevelt Avenue sa Fernando Poe J.r Avenue dahil ang ancestral home ni FPJ ay dito nakatayo.
Sinabi rin ni Sotto na ang Roosevelt Avenue ay ideal dahil mas malaki ito kumpara sa Del Monte Avenue. Sa kanyang 46 taong career bilang actor, si FPJ ay nakagawa ng 300 action films at kinilalang “Da King” ng Philippine movies. Siya ay namatay noong Dec. 14, 2004 sa edad na 65-anyos.
Makaraan ang dalawang taon, si FPJ ay ideneklarang isang National Artist ng nooy President Benigno Aquino III.
- Latest