Pinal na! Traslacion ng itim na Nazareno sa Enero, kanselado
MANILA, Philippines — Pinal na!
Walang magaganap na Traslacion ng Itim na Nazareno sa darating na Enero 2021.
Ito’y makaraang tuluyan nang kanselahin ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila at pamunuan ng simbahan ng Quiapo ang tradisyunal na prusis-yon bilang bahagi ng pag-iingat sa pagkalat ng COVID-19.
Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na pumayag ang pamunuan ng simbahan na kanselahin ito dahil sa pareho silang naniniwala na dapat manaig ang protocol sa kalusugan kaysa sa naturang tradisyon.
“Maging conservative po tayo sa paggunita ng mga prusis-yon. There are things that we cannot control pero pwedeng maiwa-san. Kung libu-libo ang pupunta sa prusisyon, isa lang sa kanila ang maimpeksyon, tapos magkakadikit-dikit pa sila, pinagpapawisan, nagkakalat na droplets ng laway, delikado po iyan,” ayon kay Moreno.
Plano naman ng simbahan ng Quiapo na damihan na lamang ang misang gagawin upang mas maraming deboto ang makapasok ng simbahan at makapag-alay ng panalangin.
“Nagpapasalamat kami sa pagkakataon na narinig ang aming presentasyon para sa Traslacion 2021, at ang mangyayari, napagkasunduan ay hindi matutuloy ‘yung Luneta to Quiapo na may andas na prusisyon. “Hindi po matutuloy iyon,” ayon kay Monsignor Her-nando Coronel.
- Latest