^

Metro

Higit P150 milyong shabu nasabat sa ‘big time’ courier

Doris Franche, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Higit P150 milyong shabu nasabat sa ‘big time’ courier
Sa ulat mula sa tanggapan ni NCRPO chief, P/Major General Debold Sinas, ikinasa ang ‘Coplan Totong Toldo’ matapos matanggap sa impormante ang madalas na pagbibiyahe ng isang Gilbert F. Lumanog ng ilegal na droga na isinusuplay sa Cebu City na hinahango sa Quezon City.
STAR/ File

MANILA, Philippines  — Mahigit sa P150 milyon ang halaga ng shabu  na nasamsam ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office-Regional Special ­Operations Group (RSOG) at  mga ope­ratiba ng Quezon City Police nang sundan ang ibiniyaheng ilegal na droga ng bigtime ‘courier’ hanggang sa Brgy. Subabasbas, Lapu-lapu City, kamakalawa.

Sa ulat mula sa tanggapan ni NCRPO chief, P/Major General Debold Sinas, ikinasa ang ‘Coplan Totong Toldo’  matapos matanggap sa impormante ang madalas na pagbibiyahe ng isang Gilbert F. Lumanog ng ilegal na droga na isinusuplay sa Cebu City na hinahango sa Quezon City.

Oktubre 12, 2020 nang magtungo sa Cebu City ang ilang team ng NCRPO-RSOG at QCPD kung saan nagkaroon ng coordination sa lokal na pulisya habang nagsasagawa ng case build-up, surveillance, at monito­ring at pagkalap ng impormasyon.

Oktubre 14 nang mamataan na ang target na Toyota Vios at nasaksihan ng mga operatiba ang ilang pakikipagkita ng sakay nito sa ilang tao na nag-aabot ng paper bags, plastic at iba pang  container na kaduda-duda.

Naisagawa ang buy-bust operation laban sa suspek  at nasamsam sa kaniya ang nasa 22.1 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng higit sa P150 milyon.

RSOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with