CPP- NPA persona non-grata sa Metro Manila

Giit ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Camilo Pancratius Cascolan hindi papayagan ng mga pulis ang mga ilegal na aktibidad at pang-aabuso ng mga komunistang rebelde lalo na’t kung may intensyon ang mga itong saktan ang publiko.
STAR/ File

MANILA, Philippines  — Kapansin pansin ang mga  tarpaulin na namataan sa ibat-ibang lugar sa Metro Manila na nagdedeklara sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) bilang persona non grata sa National Capital Region.

Sa Maynila ang tarpaulin ay nakalagay sa railings ng isang footbridge malapit sa US Embassy sa kahabaan ng Roxas Boulevard.

Meron din namataan sa may EDSA sa panulukan ng North Avenue sa Quezon City at sa iba pang lungsod.

Sinabi  naman ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Camilo Pancratius Cascolan na ang tarpaulin ay  galing sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC),  sa pakiki­pagtulungan ng  mga lokalidad para labanan ang communit insurgencies. Ang naturang tarpaulin ay may logo ng PNP.

Giit ni Cascolan hindi papayagan ng mga pulis ang mga ilegal na aktibidad at pang-aabuso ng mga komunistang rebelde lalo na’t kung may intensyon ang mga itong saktan ang publiko.

Aniya, ayaw ng PNP na magkaroon ng rebel­yon na galawan umano ng New People’s Army (NPA).

Ito aniya ang rason kung bakit nagtutulungan ang lahat para ‘di na muling umusbong ang insurgency.

Show comments