7 pamilya sa Payatas, inilikas

Ayon kay Myke Marasigan, hepe ng QCDRRMO, ang pitong pamilya ay dinala sa Payatas Multi purpose hall-Lower Sampaguita noong kasagsagan ang pag-ulan na dala ng bagyong Pepito
STAR/ File

MANILA, Philippines  — Pansamantalang inilikas  ng QC Disaster Risk Reduction and Management Office  ang may 7 pamilyang nakatira sa  Sampaguita Extension sa Brgy.  Payatas Quezon City dahil sa banta ng pagguho ng lupa  oras na magkaroon ng pag- ulan doon.

Ayon kay Myke Marasigan, hepe ng QCDRRMO, ang pitong pamilya ay dinala  sa Payatas Multi purpose hall-Lower Sampaguita noong kasagsagan ang pag-ulan na dala ng bagyong Pepito.

May tatlong pamilya naman anya ang lumipat ng tirahan sa kanilang mga kaanak at isang pamilya naman ay lumipat sa isang rented house sa tulong ng Home Owners Association para sa isang buwang paninirahan doon.

Una nang naideklarang   danger  zone ng QC government  ang naturang lugar.

Sinabi ni Marasigan na nakapaglagay na sila ng caution tape sa lugar para makordon ang affected landslide area.

Anya, umaabot sa 25 pamilya ang nakatira sa danger zone doon.

Kaugnay nito, sinabi ni Atty Jojo Conejero ng Office of the Mayor, 6 na pamilya na ngayon mula sa naturang lugar ang agad na bibigyan ng relokasyon ng lokal na pamahalaan .

Patuloy pa anya ang pagbusisi ng Housing department ng QC para sa inaasahang pagrerelocate pa ng ibang pamilya sa long term relocation site sa mga ito.

Ayon kay barangay Payatas Administrator Flor Clarita,  sa 25 pamilya na nakatira sa danger zone, 10  dito ay mga pamilyang  nakatira sa ibaba mismo ng gumuhong istraktura at direktang tatamaan sa sandaling lumambot na rin ang lupa roon.

Magugunitang noong Oktubre 15  ng alas -11 ng umaga nang gumuho ang mataas na bahagi ng Little Baguio sa Payatas at nabagsakan ng malaking puno ang bahay ng isang Gilda Lumintigar pero himala silang nakaligtas kasama ang kanyang asawa at anak.

Show comments