^

Metro

Higit 30 jeepney drivers, pasahero huli

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Higit 30 jeepney drivers, pasahero huli
Partikular na hinuli ng mga elemento ng Inter-Agency Task Force on Traffic sa pangunguna ni Col. Manuel Bonnivie ang mga driver ng traditional at modern jeepney na may biyaheng A. Bonifacio hanggang Blumentritt Maynila mula Novaliches.
Michael Varcas

‘7 commandments’ nilabag

Mahigit sa  30 mga driver ng pampasaherong jeep at ilang pasahero ang hinuli  dahil sa iba’t ibang mga paglabag  sa ‘7 commandments’ ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa isinagawang operasyon sa kahabaan ng Quirino Highway Novaliches, Quezon City kahapon.

Partikular na hinuli ng mga elemento ng Inter-Agency Task Force on Traffic sa pangunguna ni Col. Manuel Bonnivie  ang mga driver ng traditional at modern jeepney na may biyaheng  A. Bonifacio hanggang Blumentritt Maynila mula Novaliches.

Ilan sa binalewala ng mga driver ng jeep ang paglalagay ng plastic barrier sa loob ng sasakyan bilang isa sa health protocols sa mga pampublikong sasakyan para makaiwas  ang mga ito na mahawahan ng virus.

Ang operasyon ay ginawa kasunod ng pagpapatupad ng DOTr at LTFRB sa one-seat apart policy  na pumayag na pwedeng magsakay ng pasahero kahit magkakatabi basta’t may nakalagay na plastic barrier sa sasakyan bilang proteksiyon sa pasahero.

Nasampolan din at natiketan ang mga jeepney drivers na walang pakialam at nagsasakay ng mga pasahero na walang facemask at face shield.

Bagama’t nagkanya-kanyang turuan ang mga driver at pasahero sa paglabag na ito ay binasahan sila ng I-ACT ng ‘7 commandments’  o mga alintutunin sa pagpapairal ng health protocol sa loob ng sasakyan para matuto.

Ang ‘7 commandments ‘ ay ang mga utos na dapat sundin ng mga pasahero, driver at operator ng mga pampasaherong sasakyan tulad ng pag-body temp, contact tracing, log book, pagsusuot ng face mask, face shield at paglalagay ng plastic barrier para maiwasan na ma-infect ng Covid 19 virus.

LTFRB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with