^

Metro

Maynila tumanggap ng ‘Good Housekeeping Award’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Maynila tumanggap ng âGood Housekeeping Awardâ
Sinabi ni Mayor Isko Moreno na ito ang kauna-unahang pagtanggap ng naturang award ng Maynila mula nang umpisahang ipamigay ito ng DILG may 10 taon na ang nakalilipas.
CC BY-SA 3.0/Corteco8/Wikimedia

Sa unang pagkakataon

MANILA, Philippines  — Makaraan ang 10 taon paghihintay, natanggap na rin ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang “Good Financial Housekee­ping Award” mula sa Department of the Interior and Local Go­vernment (DILG) bilang pagkilala sa mga reporma sa pananalapi at paggastos ng pondo ng mga lokal na pamahalaan.

Sinabi ni Mayor Isko Moreno na ito ang kauna-unahang pagtanggap ng naturang award ng Maynila mula nang umpisahang ipamigay ito ng DILG may 10 taon na ang nakalilipas.

Dahil dito, sinabi ni Moreno na naipakita ng lokal na pamahalaan ng Maynila na kaya nito na maging ‘transpa­rent’ sa pananalapi at nagastos ng tama ang mga pondo sa mga nakaraang taon.

“Unang beses na­ting makuha ito sa buong kasaysayan ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila. Last time, I already said that I will not tolerate a dismal performance from the City Government under my watch. We will always aim to do better for the Manileños,” ayon kay Moreno.

Ipinangako naman niya na hindi titigil ang kaniyang administrasyon sa tamang pamamalakad sa pondo sa pagbibigay ng mga makabuluhang serbisyo sa mga Manilenyo.

Ang “Good Financial Housekeeping Award” ay isa sa pangangailangan para makamit ng isang lokal na pamahalaan ang mas malaking gantimpala na “Seal of Good Local Governance (SGLG)” kung saan bukod sa pagkilala sa maayos na pamamahala ay binibigyan din ng insentibo ang mga LGU.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with