2,000 pulis ililipat-Cascolan
Sa localization program ng PNP
MANILA, Philippines — Tinatayang nasa 2,000 pulis na ang inilipat ng assignment bilang bahagi ng localization program ng Philippine National Police (PNP).
Ito ang inihayag ni PNP chief General Camilo Cascolan kung saan ipatutupad na ang localization ngayong linggo.
Ayon kay Cascolan ang mass movement ng mga personnel ay pagbibigay ng pagkakataon na mas mapabuti ang kanilang trabaho at mas mapalapit sa kanilang mga pamilya ang mga pulis.
Makakapagpataas din ito ng moral ng mga pulis na naapektuhan dahil sa pagkakasangkot ng ilang pulis sa ilegal activities.
Nilinaw ni Cascolan na hindi pa maipatupad ang localization sa Metro Manila at Calabarzon bunsod na rin ng mga kailangang adjustment sa mga personnel.
Lumilitaw sa records ng PNP Directorate for Personnel and Records Management aabot sa 7,410 pulis ang kuwalipikado para sa kanilang localization program.
“A provision of Section 63 of Republic Act 8551 or the Philippine National Police Reform and Reorganization Act of 1998 states that PNP members with the ranks of Patrolman/woman up to Police Executive Master Sergeant will be “assigned to the city and municipality of their recruitment and/or place of residence or if not possible, to the closest municipality, province or regions to his residence.” ani Cascolan.
- Latest