^

Metro

Manila North, South Cemetery bantay sarado na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Manila North, South Cemetery bantay sarado na
Ipinag-utos ni Manila City Mayor Isko Moreno ang ibayo pang paghihigpit umpisa sa Oktubre 15 hanggang matapos ang Nobyembre 4 dahil sa inaasahan na pag-uumpisa nang pagdagsa ng mga tao na bumibista sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Manila PIO/Released

MANILA, Philippines — Mas lalo pang hihigpitan ang pagpapasok ng tao sa loob ng Manila North at South Cemetery sa Maynila sa mga susunod na araw hanggang sa sumapit ang Undas para makatiyak na masusunod ang ‘physical distancing’ sa mga dumadalaw sa naturang pinakamalalaking sementeryo sa siyudad.

Ipinag-utos ni Manila City Mayor Isko Moreno ang ibayo pang paghihigpit umpisa sa Oktubre 15 hanggang matapos ang Nobyembre 4 dahil sa inaasahan na pag-uumpisa nang pagdagsa ng mga tao na bumibista sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Nakatakda nang magtalaga ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD), base sa kahilingan ni MNC Director Yayay Castaneda, para mas mabisang makontrol ang dating ng mga bisita at matiyak ang istriktong pagpapatupad ng health at safety protocols.

Nananawagan ang alkalde na huwag nang ­ipagpaliban ang pagbisita at dadagsa sa mga hu­ling minuto sa naturang mga sementeryo para hindi magkaroon ng ibayong siksikan.

Pinaalalahanan din niya ang mga mamamayan na magsuot ng face masks at face shields para protektado laban sa virus.

Una nang inihayag ni Moreno ang pagpapasara sa lahat ng sementeryo sa lungsod mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 3 o tuluyang pagkakansela ng Undas dahil sa banta ng pandemya.

MANILA NORTH CEMETERY

SOUTH CEMETERY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with