^

Metro

9 preso patay sa 'Bilid riot' ng Sputnik, Commando gangs — BuCor

James Relativo - Philstar.com
9 preso patay sa 'Bilid riot' ng Sputnik, Commando gangs � BuCor
Litrato ng ilang preso sa tapat ng New Bilibid Prison
The STAR/Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Kahit nasa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) ang Pilipinas, hindi nagpaawat ang ilang inmates ng New Bilibid Prison (NBP) sa karahasan — dahilan para bawian ng buhay ang marami ngayong Biyernes nang umaga.

Sa ulat ng ABS-CBN News, sinabi ng Southern Police District na siyam ang nasawi sa nasabing sagupaan. Nanggaling diumano ang impormasyon kay Bureau of Corrections spokesperson Gabriel Chaclag.

Basahin: Violence erupts in Bilibid, casualties reported

Nangyari ang insidente sa isang quadrant bandang 2:30 a.m. at agad namang nasawata ng Philippine National Police at BuCor Director General Gerald Bantag.

"Hindi pa natin malaman kung ano 'yung ugat. Hinihintay pa natin 'yung official report," ani Chaclag sa panayam ng dzMM.

"[N]a-contain agad at hindi na nag-escalate sa iba pang areas."

Sa siyam na namatay sa mga nagpang-abot, pito ang sinasabing nanggaling sa Sputnik gang habang dalawa naman ang mula sa Commando gang.

Paliwanag ni Chaclag, nasa 18,000 ang nasa loob ng NBP na parang komunidad talaga, at hindi katulad ng karaniwang kulungan na nababantayan ng gwardya sa lahat ng oras.

"Meron tayong mga CCTVs sa mga strategic areas... pero hindi naman po lahat, parang barangay, may CCTV na nakatutok at covered," dagdag pa ng tagapagsalita.

"May mga BuCor SWAT po tayo... Hindi naman po [sila] agad-agad pupunta sa gitna. Meron po tayong mga warnings, procedures din involving the leaders of the groups... Naawat naman po at tumigil sila."

Pinahupa naman ni Chaclag ang pangamba ng mga may kapamilyang inmates sa Bilibid at sinabing mapayapa na uli ang dambuhalang penal facility matapos mapahupa ang tensyon.

Sa ngayon inutusan na ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra si Bantag para imbestigahan ang pangyayari at mag-ulat sa kanya agad-agad.

vuukle comment

NEW BILIBID PRISON

RIOT

VIOLENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with