MANILA, Philippines — Patuloy na makakatanggap ng pinansiyal na tulong ang mga guro mula sa Quezon City government para suportahan ang kanilang pangangailangan para sa new learning modalities .
Ito ang tiniyak kahapon ni Mayor Joy Belmonte kaalinsabay sa pagdiriwang ng International World Teachers’ Day.
“As our teachers sacrifice and adjust to the new normal, we want them to be justly compensated. Aside from their salaries, they can expect monthly supplemental allowance from the city government,” pahayag ni Mayor Belmonte.
Anya bukod pa ito sa ipagkakaloob na 3,210 laptops para sa mga guro sa lahat ng 160 elementary at secondary public schools.
Bukod sa probisyon para sa modules at tablets para sa mga mag-aaral, ang lokal na pamahalaan ay naglaan din ng kailangang laptops at iba pang equipment para sa mga guro at naglaan din ng mahigit P124 million mula sa kanilang special education fund para sa school year 2020-2021.
“In order to properly conduct online classes, we will provide laptop units which will be divided in all public schools for the common use of their teachers. We want them to be equipped and ready to provide quality education for our students,” dagdag ni Mayor Belmonte.
Bukod pa ang monthly load na P1,000 ang ibibigay sa lahat ng public school teachers para magamit sa paghahanda ng modules at lessons.
Bukod pa ito sa hiwalay na pondo na nailaan ng lokal na pamahalaan para bigyan ng financial assistance ang city’s public school teachers.