^

Metro

Ayuda pa sa mga guro, kaloob ng Quezon City government

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Ayuda pa sa mga guro, kaloob ng Quezon City government
“As our teachers sacrifice and adjust to the new normal, we want them to be justly compensated. Aside from their salaries, they can expect monthly supplemental allowance from the city government,” pahayag ni Mayor Belmonte.
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Patuloy na makakatanggap ng pinansiyal na tulong ang mga guro mula sa Quezon City government para suportahan ang kanilang pangangailangan  para sa new learning modalities .

Ito ang tiniyak kahapon ni Mayor Joy Belmonte kaa­linsabay sa pagdiriwang ng International World Teachers’ Day.

“As our teachers sacrifice and adjust to the new normal, we want them to be justly compensated. Aside from their salaries, they can expect monthly supplemental allowance from the city government,” pahayag ni Mayor Belmonte.

Anya bukod pa ito sa ipagkakaloob na 3,210 laptops para sa mga guro sa lahat ng  160 elementary at secon­dary public schools.

Bukod sa probisyon para sa modules at tablets  para sa mga mag-aaral, ang lokal na pamahalaan ay naglaan din ng kailangang laptops at iba pang equipment  para sa mga guro at naglaan din ng mahigit P124 million mula sa kanilang special education fund para sa  school year 2020-2021.

“In order to properly conduct online classes, we will provide laptop units which will be divided in all public schools for the common use of their teachers. We want them to be equipped and ready to provide quality education for our students,” dagdag ni  Mayor Belmonte.

Bukod pa ang monthly load  na P1,000  ang ibibigay sa lahat ng public school teachers para magamit  sa paghahanda ng modules at lessons.

Bukod pa ito sa hiwalay na pondo na nailaan ng lokal na pamahalaan para bigyan ng financial assistance ang city’s public school teachers.   

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with