MANILA, Philippines — Nakapagdaos na ng kaniyang unang misa si Cardinal Luis Antonio Tagle makaraan ang kaniyang paggaling sa COVID-19, sa Manila Cathedral nitong Linggo.
Sa kaniyang homily, pinayuhan niya ang mga Katoliko na huwag ituring na walang silbi ang mga hindi kanais-nais na pangyayari at sa halip ay hanapin ang pakinabang nito.
Tinutukoy ni Tagle ang pagbubuntis ng wala sa oras at ang pag-aalaga sa mga nakatatanda.
Noong Pebrero, sa Manila Cathedral din huling nagmisa si Tagle bago magtungo sa Vatican City upang gampanan ang bago niyang posisyon bilang prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples.
Nadiskubreng positibo sa COVID-19 ang Cardinal nang dumating sa Maynila mula sa Vatican nitong Setyembre 10. Matapos na sumailalim sa ‘isolation’, inihayag ang kaniyang paggaling nitong Setyembre 23.
Si Tagle ang kauna-unahang pinuno ng Vatican dicastery na nahawa ng virus.